|
||||||||
|
||
Mga bilanggo, maraming nagkakasakit
OVERCROWDING, DAHILAN NG PAGKAKASAKIT NG MGA BILANGGO. Naniniwala si Chief Public Attorney Persida V. Rueda Acosta na sa dami ng mga bilanggo, mas marami ang nagkakasakit. Nabanggit niyang mayroong ilang umaming mayroon nang HIV. (Melo M. Acuna)
SAPAGKAT puno ang mga piitan sa Pilipinas, maraming nagkakasakit at nagiging dahilan ng kanilang pagkabalda o pagkasawi. Ito ang sinabi ni Atty. Persida Rueda Acosta sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido.
Highly congested ang mga piitan ngayon at kailangan ng strong political will upang malutas ang problema ng bansa, dagdag pa ni Atty. Acosta.
Idinagdag pa ni Atty. Acosta na sa kanilang pagsasagawa ng medical at dental missions sa iba't ibang piitan, may nakakaharap silang mga bilanggong may human immunodefficiency virus na kung hindi mabibigyan ng angkop na gamot ay posibleng mauwi sa full-blown Acquired Immune Defficiency Syndrome o AIDS.
Limang taon na ang nakalilipas ay ipinadala siya ng United Nations sa Vienna, Austria upang bigyang pansin ang karapatan ng mga bilanggong mayroong HIV. May mga nakapanayam na umano silang mga bilanggo at hindi naman mailalabas ang kanilang mga pangalan sapagkat napapaloob ito sa kanilang karapatan.
Inirekomenda ni Atty. Acosta na palayain ang mga taong nararapat palayain sa pamamagitan ng pagpipiyansa at gamitin din ang recognizance act at ipatupad ang BuCor modernization act at makatanggap na tunay na gamot ang may karamdaman.
Mayroon na umanong nabatid silang may HIV sa piitan sa Camp Bagong Diwa dahilan din sa sobrang dami ng mga bilanggo. Malaki rin ang posibilidad na hindi nababalitang may AIDS ang mga biktimang nasasawi at nakakasabay sa mga namamatay sa ibang karamdaman.
Nahihiya silang sabihin sa mga opisyal ng piitan sa pangambang hindi na sila lapitan ng mga kapwa bilanggo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |