|
||||||||
|
||
Papel ng Tsina sa larangan ng pandaigdigang ekonomiya pag-uusapan
GAGAWIN bukas ng hapon sa Asian Institute of Management ang isang pulong na may temang "China in the Global Economy and Finance: A Forum on the Role of China in Global Economic Affairs."
Matatampok si Professor Zhang Yuyan bilang keynote speaker. Magbabahagi rin ng kanyang pananaw si Asian Institute of Management Prof. Federico Macaranas.
Si Prof. Zhang ang director ng Institute of World Economy and Politics sa Chinese Academy of Social Science ay may Bachelor in Economics sa Beijing University noong 1983, Master in Economics, CASS Graduate School noong 1986, at PHD sa Economics sa CASS Graduate School noong 1991. Ang kanyang pananaliksik ay sa larangan ng Institutional Economics and International Political Economy. Nakapagakda na siya ng tatlong aklat na pawang nakatuon sa ekonomiya.
Kasama sa mga dadalo ang mga kinatawan ng Asian Development Bank, Department of National Defense, Asian Institute of Management, Financial Executives Institute of the Philippines, Management Association of the Philippines, UP National Institute of Geological Sciences at mga kasapi ng Filipino Chinese Community.
Gaganapin ito bukas, mula 1:30 hanggang ika-lima ng hapon sa Security Bank Case Room, GF Asian Institute of Management, Paseo de Roxas, Makati City.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |