|
||||||||
|
||
Imbestigasyon sa pagsabog ng granada, tuloy pa rin
TULOY PA ANG IMBESTIGASYON. Matapos ang madugong pagsabog ng granada sa Paranaque City Jaiul noong ika-11 ng Agosto, umaasa si J/Sr. Supt. Paulino Moreno, Jr. na lalabas ang katotohanan sa madugong insidente ng ikiansawi ng sampu katao. (Melo M. Acuna)
HALOS P BILYON ANG KAILANGAN. Sinabi naman ni Atty. Dexter Coloso, chief of staff ni Undersecretary Catalino Cuy na malaking salapi ang kailangan sa pagtugon sa dumaraming bilang ng mga bilanggo. Kulang ang kanilang mga pasailidad hanggang ngayon, dagdag pa ni Atty. Coloso. (Melo M. Acuna)
IPINAGPAPATULOY ang imbestigasyon ng Bureau of Jail Management and Penology sa naganap na pagsabog sa loob ng Paranaque City Jail na ikinasawi ng sampu katao.
Sinabi ni Jail Sr. Supt. Paulino Moreno, Jr., chief ng Legal Service ng Bureau of Jail Management and Penology na nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang kanilang mga tauhan sa insidenteng naganap noong Huwebes, ika-11 ng Agosto.
Umaasa ang BJMP main office na mailalabas ang kanilang pormal na pahayag sa pinakamadaling panahon.
Samantala, sinabi naman ni Atty. Dexter Coloso, chief of staff ni Undersecretary Catalino Cuy na mangangailangan ang BJMP ng mga donasyong lupaing mula sa pamahalang lokal upang makapagtayo ng mga piitan.
Upang matugunan ang backlog, kailangan ng may halos P 5 bilyon. Umaasa naman silang magkakaroon ng sapat na salapi para sa pag-aayos ng mga piitan.
Idinagdag pa ni Atty. Coloso na kung kakailanganin ay magtatayo sila ng mga tatlo hanggang apat na palapag na piitan sa buong bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |