Bandar Seri Begawan, Brunei—Mula ika-23 hanggang ika-26 ng Agosto, 2016, idinaraos dito ang ika-3 Pulong ng Mga Ministro ng Kultura ng Tsina at ASEAN (10+1), at ika-7 Pulong ng Mga Ministro ng Kultura ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Kroea (10+3). Dumalo sa mga pulong ang delegasyong Tsino na pinamumunuan ni Ding Wei, Pangalawang Ministro ng Kultura ng Tsina.
Malalimang tinalakay sa mga pulong ng mga kalahok ang mga paksang gaya ng pagpapalalim ng rehiyonal na kooperasyong kultural, pagpapatupad ng panlimahang taong plano ng aksyon ng kooperasyong kultural ng Tsina at ASEAN, magkakasamang pagtatatag ng porum ng kultura ng Tsina at ASEAN, paglikha ng mga demonstratibong tatak at iba pa. Malawakang komong palagay ang narating din sa pulong.
Salin: Vera