|
||||||||
|
||
SM Tianjin: Masterpiece in China
Tinaguriang masterpiece ang SM Tianjin dahil sa masining nitong disenyo. Ibinatay ito sa ideya ng "wuxing" o limang elemento ng Taoism. Ang mall ay may limang bahagi na kumakatawan sa Tubig, Kahoy, Metal, Apoy at Lupa. Nitong Sabado, dinagsa ng mga tao ang unang dalawang palapag ng Water Ring, Wood Ring at bahagi ng Metal Ring.
Ang Decathlon ay sikat na sports wear sa Tsina at sa opening day dinagsa ng mamimili ang pwesto nito sa SM Tianjin
Sa pamamagitan ng SM Department Store, discovery park, theme shops, restaurants, Family Entertainment Center atbp., hangad nitong maakit at bigyang serbisyo ang higit 15 milyong residente ng Tianjin, at mga karatig lugar na Hebei at Beijing.
Mabibili rin sa SM Tianjin ang mura at sariwang mga paninda
Sinabi ni Sy na ang Binhai New Area noon ay isang ilang na lugar at nakatiwangwang na lupain. Umaasa siyang muling magiging catalyst ng kaunlaran ang SM Tianjin. Naglalagak ang kumpanya ng US$431 milyon puhunan sa lugar.
Mula noong 2001, sa loob ng 15 taon namuhunan ang SM Prime sa 8 lungsod ng Tsina. 6 na malls ang bukas na sa Xiamen, Jinjiang, Chengdu, Suzhou, Chongqing at Zibo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |