|
||||||||
|
||
Ipinalabas Martes, Disyembre 27, 2016, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang "China's Space Activities in 2016."
May mga 11 libong salita ang white paper na nakabahagi pangunahin na, sa limang parteng kinabibilangan ng layunin ng pag-unlad, prospek at prinsipyo, pangunahing progreso sapul noong taong 2011, pangunahing tungkulin sa loob ng darating na limang taon, patakaran at hakbang ng pag-unlad, pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan.
Anang white paper, sa kasalukuyang daigdig, malalimang binabago ng space activities ang pagkaalam ng sangkatauhan sa sanlibutan, at nagkakaloob din ito ng mahalagang puwersa para sa progreso ng lipunan ng sangkatauhan. Anito, ginagawang mahalagang bahagi ng pangkalahatang estratehiya ng pag-unlad ng estado ng pamahalaang Tsino ang pagpapaunlad ng aerospace cause. Palagiang iginigiit ng Tsina ang paghahanap at paggamit ng outer space sa mapayapang hangarin, dagdag pa nito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |