Beijing—Ipinahayag Lunes, Enero 16, 2016, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakahanda ang Tsina na kumatig sa Pilipinas sa mga gawain bilang kasalukuyang Tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), para magkasamang magpasulong ng konstruksyon ng komunidad ng ASEAN at magpahigpit ng relasyon ng Tsina at ASEAN.
Ani Hua, laging ipinapauna ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon sa ASEAN sa diplomasiya sa mga kapitbansa.
Binigyan-diin din ni Hua na sa ilalim ng pagsisikap ng Tsina at ASEAN, nagiging matatag ang kalagayan ng South China Sea. Nakahanda ang Tsina na patuloy na bigyan-pansin ang pag-unlad at kooperasyon at maayos na lutasin ang mga hidwaan, kasama ng ASEAN, para pangalagaan ang mabuting kalagayan ng relasyon at katatagan ng rehiyon.
salin:Lele