Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtatanim ng Kawayan at Rattan para sa Sustenableng Pag-unlad, idinaos sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing

(GMT+08:00) 2017-04-24 17:45:37       CRI

Anang embahador Pilipino, si Cobunpue ay isang negosyante ng mga kagamitang pambahay sa Cebu, at ito ang negosyong minana niya mula sa kanyang mga magulang, pero dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng ibang produkto, inumpisahan niyang magdisenyo ng mga modernong kagamitan sa bahay, gamit ang rattan.

Dagdag ni Sta. Romana, nakilala ang mga produkto ni Cobunpue sa buong mundo dahil sa kalidad at ganda ng mga ito, at sa katunayan, bumili ng kamang gawa ni Cobunpue ang sikat na aktor sa Hollywood na si Brad Pitt.

Dahil dito, ani Sta. Romana, lalong nakilala sa ibayong dagat, partikular sa mga artista ng Holywood ang mga produkto ni Cobunpue.

Dr. Hans Friederich, Direktor Heneral ng INBAR

Sa kanya namang talumpati sa pagtititpon, sinabi ni Dr. Hans Friederich, Direktor Heneral ng International Bamboo and Rattan Organization (INBAR), na ang kawayan at rattan ay mga katangi-tanging halaman, dahil ang mga ito ay magagamit sa humigit-kumulang sa 10,000 ibat-ibang paraan.

Aniya, ang mga ito ay may kakayahang gumawa ng oportunidad sa trabaho, restorasyon ng lupa, muling pagpapausbong ng kagubatan, at potensyal na panggagalingan ng malinis at muling magagamit na enerhiya.

Kaya, dapat aniyang paunlarin ng Timog-silangang Asya ang paggamit ng mga halamang ito, na kilala rin sa tawag na "berdeng ginto."

Wang Chunfeng, Pangalawang Direktor Heneral ng Department of International Cooperation ng State Forestry Administration ng Tsina

Ayon naman kay Wang Chunfeng, Pangalawang Direktor Heneral ng Department of International Cooperation ng State Forestry Administration ng Tsina, mahalaga ang kawayan at rattan sa pag-abot ng mga sustenableng target ng Tsina.

"Ang kawayan at rattan ay mga berde, mababang karbon, recyclable, at madaling mai-angkop na natural na yaman, at ang mga ito ay magagamit sa paglaban sa pagbabago ng klima, pagkasira ng lupa, at iba pang mga hamon; kaya't napakahalaga ng pagsusulong at pagpapaunlad ng sustenableng paggamit ng mga ito," aniya.

Mga dumalo sa aktibidad ng Bamboo and Rattan for Sustainable Development in South East Asia

Dumalo sa naturang pagtitipon ang mga embahador at diplomata mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), mga opisyal ng INBAR, mga opisyal ng State Forestry Administration ng Tsina, mga meida, at mga kaibigang Tsino.

Ang nasabing aktibidad ay magkasamang inorganisa ng Emabahada ng Pilipinas sa Beijing at INBAR, sa suporta at pagtataguyod ng Department of International Cooperation ng State Forestry Administration ng Tsina at ASEAN-China Center.

Ulat/Larawan: Rhio

Edit: Jade

Web-editor: Vera


1 2
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>