Nasa mahigit 80 katao ang namatay habang umabot naman sa 350 ang sugatan makaraang maganap ang car bombing sa kabiserang Kabul ng Afghanistan nitong Miyerkules, Mayo 31, 2017. Hanggang sa ngayon, wala pang grupo ang umako sa nasabing insidente.
Ayon sa ulat, ang nasabing insidente ay nangyari malapit sa maraming opisina ng gobyerno, embahada, at pandaigdigang organo sa nasabing lunsod. Ipinahayag ng Ministri ng Suliraning Panloob ng Afghanistan na posibleng tumaas ang bilang ng mga kasuwalti.
Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, mariing kinondena kahapon ni Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng United Nations (UN), ang nasabing teroristikong insidente. Ipinagdiinan niyang dapat palakasin ang pagbibigay-dagok sa terorismo at marahas na ekstrimismo.
Bukod dito, mahigpit ding kinondena ng mga Foreign Ministry ng Alemanya, Rusya, India, Turkey, at iba pang bansa, ang insidenteng ito.
Salin: Li Feng