Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Biyahe ng CJCS sa Tsina, natapos na

(GMT+08:00) 2017-08-18 15:13:59       CRI

Natapos Huwebes, Agosto 17, 2017, ang biyahe ni Chairman of Joint Chief of Staff (CJCS) General Joseph Dunford sa Tsina. Sa kanyang pananatili sa Tsina, magkakasunod siyang nakausap at nakatagpo ng mga lider ng partido at hukbo ng bansa. Isang mahalagang natamong bunga ng nasabing biyahe ay ang paglagda ng Tsina at Amerika sa "framework agreement on a China-U.S. joint staff dialogue mechanism."

Tinukoy ni Zhou Bo, Puno ng Sentro ng Pandaigdigang Seguridad ng Tanggapan ng Pandaigdigang Kooperasyong Militar ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na bilang unang mataas na lider ng hukbong Amerikano na bumiyahe sa Tsina sapul nang maupo sa puwesto si Presidente Donald Trump, nakakatulong ang biyahe ni Dunford sa pagpapalalim ng pag-uunawaan ng mga hukbong Tsino at Amerikano, at pag-iwas sa anumang di pagkakaunawaan.

Sinabi naman ni Zhao Xiaozhuo, mananaliksik ng People's Liberation Army (PLA) Academy of Military Sciences ng Tsina, na ang relasyon ng mga hukbong Tsino at Amerikano ay may napakahalagang impluwensiya sa seguridad panrehiyon, sa halip na ito'y isang simpleng bilateral na relasyon lamang. Aniya, isusulong pa ng ginawang matapat na diyalogo ng dalawang hukbo ang kanilang relasyon.

Siyempre, hindi rin maiiwasan ang ilang sensitibong isyu sa pagitan ng relasyon ng dalawang hukbo na gaya ng isyung nuklear ng Korean Peninsula, isyu ng South China Sea, at isyu ng Taiwan. Kung paanong magkakasundo ang dalawang hukbo sa mga sensitibong isyu, at magsasagawa ng mga hakbangin upang mapababa hangga't makakaya, ang kanilang konprontasyon, ay ang bagong kahilingang kanilang kinakaharap.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>