|
||||||||
|
||
Zhengzhou University, probinsyang Henan ng Tsina — Idinaos Huwebes, Setyembre 21, 2017, ang Ika-2 China-ASEAN Youth Forum na dinaluhan ng mahigit 150 kinatawan mula sa ASEAN-China Center (ACC), mga embahada ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Tsina, mga mag-aaral ng bansang ASEAN, at mga estudyanteng Tsino.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ACC, na itinuturing ng ACC ang edukasyon bilang isa sa mga priyoridad ng gawain nito. Aktibo aniyang kinakatigan nito ang pagkakaroon ng pagpapalitan ng mga kabataan ng dalawang panig.
Pagkatapos ng seremonya ng pagbubukas, nagkaroon ang mga kalahok ng malalimang pagpapalitan at pagtalakayan tungkol sa mga tema.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |