Sa kanyang mensaheng pambati kamakailan sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinahayag ni Lee Hsien Loong, Pangkalahatang Kalihim ng People's Action Party at Punong Ministro ng Singapore, na ang nasabing kongreso ay isang mahalagang milestone ng CPC at proseso ng pag-unlad ng Tsina.
Nananalig aniya siyang sa ilalim ng pamumuno ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, tiyak na magiging mas maganda ang kinabukasan ng Tsina. Inaasahan din niyang sa pamamagitan ng mahigpit na kooperasyon, ibayo pang mapapalakas ang pagtutulungan at pagkakaibigan ng dalawang partido at bansa.
Salin: Li Feng