Manila, Nobyembre 13, 2017—Sa ika-20 China-ASEAN Summit na idinaraos sa Manila, ipinatalastas ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang pagsisimula ng pagsasanggunian sa tekso ng "Code of Conduct in the South China Sea" (COC), at papasok na sa pinakamasusing yugto ang pagbabalangkas ng COC.
Sinabi ni Le Luong Minh, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN na umaasa siyang sa pamamagitan ng nasabing aksyon mapapalalim ang pag-unawa at pagtitiwalaan, pangangalagaan ang kapayapaan at katatagan, at ilalagay ang matibay na pundasyon para ibayo pang pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang panig.
Noong Agosto ng taong ito, pinagtibay ang framework ng COC sa Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN, at ito ang mahalagang bunga ng pagsasanggunnian.
Ipinahayag naman ni Xu Bu, Embahador ng Tsina sa ASEAN na dapat patuloy na sundin ang tatlong prinsipyo ng pagsasanggunian ng COC: Una, upang malutas ang mga hidwaan, dapat igiit ang direktang talastasan ng mga panig na may direktang kinalamang sa hidwaan; Ikalawa, kasabay ng pagdaraos ng talastasan, dapat isagawa rin ang pragmatikong kooperasyon; at ikatlo, magkakasamang alisin ang balakid sa labas ng rehiyon.
salin:Lele