|
||||||||
|
||
Mula Nobyembre 15 hanggang 16, 2017, isinagawa ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang opisyal na pagdalaw sa Pilipinas. Ito ang unang biyahe ng lider Tsino sa Pilipinas nitong sampung (10) taong nakalipas. Nang kapanayamin sila sa Manila, magkakasunod na nagpahayag ang mga mapagkaibigang personaheng Tsino at Pilipino ng kanilang taos-pusong kaligayahan sa pagpasok ng relasyon ng dalawang bansa sa bagong panahon.
Sinabi ni Carlos Chan, espesyal na sugo ng Pangulong Pilipino sa mga suliraning Tsino, na mahaba ang panahon ng pagkakaibigang Pilipino-Sino, at taglay si Pangulong Rodrigo Duterte ng "likas na damdaming pangkaibigan" sa Tsina. Aniya, ang pagtahak ng Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, pagtataguyod ng "Belt and Road," at pagtulong sa Pilipinas sa konstruksyon ng imprastruktura, ay nakakapagpasulong ng malaki sa relasyong Pilipino-Sino.
Ipinahayag din ni Cai Zhihe, Presidente ng Federation of Filipino-Chinese Association of the Philippines, ang pananalig na sa magkakasamang pagsisikap ng mga lider at mamamayan ng dalawang bansa, tiyak na magiging mas maganda ang relasyong Pilipino-Sino sa hinaharap.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |