Phnom Penh, Kambodya-Dadalo si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Ika-2 Lancang-Mekong Cooperation (LMC) Leaders' Meeting, at opisyal na dadalaw sa bansa, mula ika-10 hanggang ika-11 ng buwang ito.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Ika-4 ng Enero ni Kong Xuanyou, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang biyaheng ito ng Premyer Tsino ay may mahalagang katuturan sa pagpapalalim ng pagtutulungan ng LMC, at sa ibayo pang pagpapasulong ng relasyong Sino-Kambodyano.
Isiniwalat ni Kong na sa nasabing leaders' meeting, isasapubliko ng Tsina ang mga kaisipan at hakbangin hinggil sa ibayong pagpapasulong ng mekanismo ng LMC sa hinaharap. Samantala, magpapalitan aniya ng kuru-kuro ang mga lider ng Tsina at Kambodya hinggil sa pagpapabilis ng ugnayan ng pambansang estratehiyang pangkaunlaran, at ibayong pagpapasulong ng pagtutulungan sa imprastruktura, siyensiya, teknolohiya, agrikultura, turismo, at iba pa. Lalagdaan din ng dalawang panig ang mga dokumentong pangkooperasyon, dagdag pa niya.