|
||||||||
|
||
Sa isang pahayag na inilabas Sabado, Hunyo 2, 2018, ni Ahmad Abdoul Gheit, Pangkalahatang Kalihim ng League of Arab States (LAS), kinondena nito ang pagbeto ng Amerika sa panukalang resolusyon ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa pagkakaloob ng pandaigdigang proteksyon sa mga mamamayang Palestino.
Sinabi ni Gheit na ang mga marahas na sagupaan na naganap kamakailan sa Gaza Strip ay nagdulot ng malaking human casualty sa mga mamamayang Palestino. Dahil sa pagpigil ng Amerika sa pagpasa ng naturang panukalang na resolusyon, na naglalay ng bigyang-wakas ang mga madugong sagupaan, patuloy na isasagawa ng Israel ang "persecution policy" nito.
Hunyo 1, binalangkas ng Kuwait ang isang panukalang resolusyon kung saan, nanawagan itong isagawa ang mga hakbangin para maigarantiya ang seguridad ng mga sibilyan sa mga sinakop na teritoryo ng Palestina, na kinabibilangan ng Gaza Strip. Sa pagboto sa UNSC, bineto ito ng Amerika, na nagresulta sa di-pagpasa ng panukalang resolusyon.
Ipinahayag pa ni Gheit na ganap na kinakatigan ng LAS ang kahilingan ng mga mamamayang Palestino. Hinihimok niya ang komunidad ng daigdig na totohanang pangalagaan ang karapatan ng mga mamamayang Palestino.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |