Ipinahayag Hulyo 5, 2018 sa Vienna, Austria ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na may mahalagang katuturan ang Foreign Ministers' Meeting hinggil sa isyung nuklear ng Iran na nakatakdang idaos ngayong araw. Umaasa aniya siyang mararating ng mga kalahok ang pagkakasundo hinggil sa pangangalaga at pagpapatupad ng Joint Comprehensive Plan of Actions (JCPOA).
Winika ito ni Wang sa isang magkasanib na preskong dinaluhan, nang araw ring iyon, kasama ni Ministrong Panlabas Karin Kneissl ng Austria.
Ipinahayag ni Wang ang pag-asang magkasamang magsisikap ang ibat-ibang panig para maisakatuparan ang komong mithiing pampulitika sa pamamagitan ng mabibisang konkretong hakbang, alinsunod sa prinsipyo at target na pangangalaga sa multilateralismo, paglutas sa paraang diplomatiko, at magkasamang pangangalaga sa kapayapaan at katatagang panrehiyon at pandaigdig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansang Europeo para ipagpatuloy ang pangangalaga at pagpapatupad ng JCPOA.