Ayon sa data na isinapubliko Oktubre 19, 2017 ng State Statistic Bureau ng Tsina, noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, umabot sa 6.9% ang paglaki ng GDP ng bansa kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Xing Zhihong, Tagapagsalita ng nasabing bureau na kasalukuyang nananatiling matatag ang operasyon ng pambansang kabuhayan, kaya, maisasakatuparan ang nakatakdang 6.5% na target ng paglaki ng GDP ng taong ito.
Nauna rito, napataas naman ng International Monetary Fund at World Bank ang tinatayang economic growth rate ng Tsina sa 6.8% at 6.7%.