Ayon sa datos na inilabas noong ika-17 ng Hulyo, 2018, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang hati ng taong ito, ang di-pinansyal na direktang pamumuhunan ng mga mamumuhunang Tsino sa 3671 bahay-kalakal ng 151 bansa at rehiyon ay umabot sa 57.18 bilyong dolyares. Ito ay lumaki ng 18.7% kumpara sa gayunding panahon ng tinaliktang taon. Ayon pa rin sa pagsusuri ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na sa kabuuan, masigla ang pamumuhunan ng Tsina sa ibayong dagat.
Nang mabanggit ang pamumuhunan ng Tsina sa labas mula noong Enero hanggang Hunyo ng taong ito, ipinahayag ni Han Yong, Commercial Counsellor ng Departmentong Pangkooperasyon ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na matatag at malusog ang pag-unlad ng kooperasyon at pamumuhunan ng Tsina sa labas. Aniya, natamo ang progreso ng kooperasyon ng Belt and Road Initiative (BRI), at ang pamumuhunan ng Tsina sa mga bansang kasali sa BRI ay lumaki ng 12% kumpara sa gayunding panahon ng taong nakalipas.
salin:Lele