Ayon sa pinakahuling estadistikang inilabas Oktubre 17, 2018, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, nanatiling matatag at malusog ang kooperasyon at pamumuhunan ng Tsina sa ibayong dagat. Ang kabuuang pamumuhunan ng Tsina sa labas ay lumampas sa 82 bilyong dolyares, at lumaki ng 5.1% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Samantala, ang karagdagang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa mga bansang kasali sa Belt and Road Initiative ay lumaki ng 12.3% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon. Bukod dito, matatag ding umuunlad ang mga cross-border na merger at acquisition.
salin:Lele