Sinabi Nobyembre 19, 2018, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Tsina na ang consensus o pagkakaisa sa pamamagitan ng pagsasangunian ay saligang alintuntunin ng kooperasyon ng iba't ibang miyembro ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) at ito rin ay paunang kondisyon ng malusog na pag-unlad ng APEC. Nakahanda ang Tsina na patuloy na pahigpitin ang koordinasyon sa iba pang panig para mapasulong ang kooperasyon ng APEC.
Tinukoy ni Geng na sa panahon ng Ika-26 ng APEC, malalim na nagpalitan ang mga lider ng mga palagay hinggil sa kooperasyon ng Asya-Pasipiko at narating ang mga mahalagang komong palagay. Pinasulong na ng pulong ang iba't ibang pragmatikong kooperasyon sa ilalim ng APEC at natamo ang positibong bunga.
Salin:Lele