Ipinatalastas Nobyembre 20, 2018, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na dadalaw si Liu He, Pangalawang Premiyer ng Tsina sa Alemanya at dadalo sa ika-8 Hamburg Summit sa ika-25 hanggang ika-28 ng Nobyembre, 2018.
Isinalaysay ni Geng na sa panahon ng pagdalaw, makikipagtagpo si Liu sa mga lider ng Alemanya, makikipagpalitan ng mga palagay hinggil sa pragmatikong kooperasyon, relasyon ng Tsina at Europa, at iba pang mga isyung panrehiyon at pandaigdig. Aniya, bibigkas din si Liu ng talumpati sa Hamburg Summit.
Ani Geng, sa kasalukuyang kalagayan, kailangang ibayo pang palakasin ang koordinasyon at kooperasyon ng Tsina at Alemanya para magkasamang pangalagaan ang mutilateralismo at mekanismo ng malayang kalakalan.
salin:Lele