Saksi ang mga lider ng Tsina at Pilipinas, nilagdaan Nobyembre 20, 2018, ng dalawang bansa ang Memorandum of Understanding (MoU) hinggil sa Kooperasyon hinggil sa Paggagalugad ng Langis at Gas. Ipinahayag Nobyembre 21, 2018, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang komprehensibong pahihigpitin ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang panig sa dagat, at umaasang patuloy na magkakaroon ng ganitong kooperasyon sa iba pang mga bansang nakapaligid sa South China Sea.
Sa regular na news briefing, ipinahayag Nobyembre 21, ni Geng na patuloy na tatalakayin ng Tsina at Pilipinas ang mga detalye ng kooperasyon, at umaasa rin ang Tsina na patuloy na palakasin ang pakikipagpalitan sa iba pang mga bansang nakapaligid ng South China Sea, upang ang SCS ay maging dagat ng kapayapaan, pagkakaibigan at kooperasyon.
salin:Lele