Naganap Hunyo 17, 2019, ang magnitude 6.0 na lindol sa bayang Changning, probinsyang Sichuan ng Tsina, at hanggang sa kasalukuyan, 13 katao na ang naitalang namatay, samantalang 158 iba pa ang nasugatan. Bukod dito, grabe ring apektado ang pamumuhay ng 140 libong tao, imprastruktura ang nasira.
Lubos na nag-aalala si Pangulong Xi Jinping sa pangyayaring ito, kaya nagbigay siya ng atas sa mga may-kinalamang departamento ng pamahalaan na gawing priyoridad ang relief work at pagbabawas ng kasuwalti.
Samantala, inilabas din ni Li Keqiang, Premyer ng Tsina ang atas na dapat suriin ang aktuwal na kalagayan ng lindol, puspusang isagawa ang gawaing panaklolo, at ayusin ang mga imprastruktura sa lalong madaling panahon.
Salin:Lele