Nag-usap Hunyo 18, 2019, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika sa telepono.
Ipinahayag ni Trump na inaasahan niya ang muling pakikipagtagpo kay Pangulong Xi sa panahon ng G20 Summit sa Osaka. Aniya, pinahahalagahan ng Amerika ang kooperasyon ng Amerika at Tsina sa kabuhayan at kalakalan, at umaasa rin siyang magpapalitan ang dalawang panig para malutas ang pagkakaiba sa kasalukuyan. Inaasahan aniya ng buong daigdig ang pagdating ng kasunduan ng Amerika at Tsina.
Tinukoy ni Xi na nagkakaroon kamakailan ng ilang kahirapan, at ito ay hindi angkop sa interes ng dalawang bansa. Dapat sundin natin ang narating na komong palagay, pasulungin ang relasyon ng Tsina at Amerika na may koordinasyon, kooperasyon, at katatagan batay sa paggalang at mutuwal na kapakinabangan sa isa't isa, saad ng pangulong Tsino. Binigyan-diin ni Xi na dapat lutasin ang mga problemang pangkabuhayan at pangkalakalan sa pamamagitan ng pantay-pantay na diyalogo, at ang nukleo ay pagsasaalang-alang ng lehitimong pagkabahala. Umaasa si Xi na makatwirang pakikitunguhan ng Amerika ang mga bahay-kalakal ng Tsina. Samantala, sumang-ayon ang dalawang lider, na panatilihin ang pagpapalitan ng mga grupong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa hinggil sa paglutas ng pagkakaiba.
Salin:Lele