Nangulo Hulyo 3, 2019 si Li Keqiang, Premiyer ng Tsina, sa pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina, at kanyang dininig ang ulat hinggil sa pagbibigay ng mas malaking awtonomiya sa pagsasagawa ng reporma at inobasyon sa mga sona ng malayang kalakalan ng Tsina; isasagawa rin ang mga hakbangin para mapasulong at maisaayos ang mga makabagong industriyang gaya ng multinasyonal na e-commerce para maging angkop sa bagong tunguhin.
Ayon sa pulong, upang maging angkop sa pangangailangan ng kabuuang kalagayan ng reporma at pagbubukas at pag-unlad na may mataas na kalidad, dapat ibayo pang palawakin ang pagbubukas, pataasin ang pandaigdigang istandard na pangkabuhayan at pangkalakalan, at hanapin ang mas maraming karanasan.
Salin:Lele