Ipinahayag Hulyo 23, 2019 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Tsina na aktibong isinasagawa ng Pransya ang diplomatikong koordinasyon para mapasulong ang paglutas ng isyu ng Iran sa pamamagitan ng diyalogo ng iba't ibang party, at pangalagaan ang komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran, pinapurihan ito ng Tsina, at inaasahan aniyang mapapahupa ang kasalukuyang tensyon dahil sa pagsisikap ng Pransya.
Binigyan-diin ni Hua na ang pagpapataw ng presyur ng Amerika ay dahilan ng mahigpit na kalagayan ng isyung nuklear ng Iran. Aniya, dapat itakwil ng Amerika ang maling aksyon, at nang sa gayo'y, lumikha ng kondisyon para sa paglutas ng pagkabahala batay sa paggagalang at pantay-pantay na diyalogo.
Salin:Lele