Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[FB Live] Opisyal na Facebook Livecast hinggil sa COVID-19, Marso 24, 2020

(GMT+08:00) 2020-03-24 15:18:57       CRI

https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/1506434792862406/

PAKSA: AMERIKA, DAPAT MAGPALIWANAG SA 3 KADUDA-DUDANG PANGYAYARI KAUGNAY NG EPIDEMIYA NG COVID-19

* Sa nakalipas na ilang araw, paulit-ulit na tinawag ng ilang pulitikong Amerikano ang novel coronavirus bilang "Chinese virus," at ito ay nakatawag ng batikos mula sa komunidad ng daigdig.

* Ayon kay Amanda Walker, mamamahayag ng Sky News ng Britanya, "kapag milyun-milyong Amerikano ang mamamatay, ang may kagagawan ay walang iba kung hindi ang pangulo ng Amerika."

* Ang paggamit aniya ng salitang "Chinese virus" ay paraan lamang para maibaling ni Trump sa iba ang isyu at maka-iwas sa mga batikos dahil sa kanyang kapabayaan.

* Samantala, sinabi kamakailan ni Dr. Giuseppe Remuzzi, Direktor ng Mario Negri Institute for Pharmacological Research ng Italya, na noong unang dako ng Disyembre o katapusan ng Nobyembre, nadiskubre sa Italya ang mga pasyenteng may bihira at napakalubhang pneumonia.

* Ani Remuzzi, ayon sa impormasyong ito, may posibilidad, na kumakalat na noong panahong iyon ang coronavirus sa Lombardy, administrative region sa hilagang kanlurang Italya, bago pa man naiulat ang epidemiya sa Wuhan, Tsina.

* Sinabi naman nitong Biyernes, Marso 20, 2020 ni Punong Ministro Scott Morrison ng Australya na halos 80% ng mga nahawahan ng COVID-19 sa Australya ay galing sa ibang bansa at kanilang mga close contact.

* Karamihan sa mga ito ay galing sa Amerika.

* Kasalukuyang dumarami ang mga pagdududang nakatuon sa mga hakbang na isinasagawa ng administrasyon ni Trump, kaugnay ng epidemiya ng COVID-19 sa Amerika, at dapat linawin nito sa mga Amerikano at buong mundo ang tatlong malaking isyu.

1. Una, ayon sa pinakahuling kalkulasyon ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) ng Amerika, sapul nang magsimula ang flu season sa bansa noong Setyembre ng 2019, mahigit 30 milyong Amerikano ang nagkasakit ng trangkaso, at lampas sa 20,000 ang bilang ng mga namatay dahil dito.

- Inamin kamakailan ni Robert Redfield, Direktor ng CDC, na sa katunayan, ilang namatay sa trangkaso ay nahawa ng COVID-19.

- Ang tanong, sa naturang mahigit "20,000 namatay sa trangkaso," ilan ang kaso ng COVID-19?

- Ikinukubli ba ng Amerika ang epidemiya ng COVID-19, sa pamamagitan ng trangkaso?

2. Ika-2, noong Hulyo 2019, bakit biglaang isinara ang Fort Detrick Base sa Maryland?

- Ang nasabing base ay pinakamalaking sentro ng pananaliksik at pagdedebelop ng sandatang kemikal at biolohikal ng sandatahang lakas ng Amerika.

- Sa sandaling panahon lamang makaraang isara ang baseng ito, lumitaw naman sa Amerika ang mga kaso ng pneumonia o kasong parang pneumonia.

- Samantala, sumiklab din ang H1N1 pandemic sa Amerika.

- Noong nagdaang Oktubre 2019, ini-organisa ng maraming organo ng Amerika ang isang pagsasanay hinggil sa pandemic, na may codename na "Event 201."

- Noong Disyembre 2019, nadiskubre sa Wuhan ang unang kaso ng COVID-19.

- Nitong Pebrero 2020, sumiklab ang epidemiya ng COVID-19 sa maraming bansa sa mundo.

3. Ika-3, noong kalagitnaan ng Pebrero, bakit parang hindi pinahahalagahan ng pamahalaang Amerikano ang epidemiya ng COVID-19 sa loob ng bansa, pero ibinenta ng mga senador na nasa Senate Intelligence Committee ang kanilang stcok shares na nagkakahalaga ng mahigit 1 milyong dolyares?

- Ibinenta ba ng mga pulitiko ang shares sa pamamagitan ng insider-trading, habang inililihim ang kalagayan ng epidemiya sa mga mamamayan?

- Sa kanilang mga desisyon sa harap ng epidemya, mas priyoridad ba ang yaman, sa halip na buhay?

- Hanggang Marso 23, 2020, nasa 46,443 na ang opisyal na bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at 586 ang namatay.

- Patindi nang patindi ang kalagayan ng epidemiya sa bansang ito, at tulad ng sinabi ng kilalang manunulat na si Yuval Noah Harari, "sila ay hindi kailaman'y nagsasabalikat ng sariling responsibilidad, at hindi kailaman'y umaamin ng sariling kamalian. Sa halip, lahat ng mainam na gawa ay ikinekredito sa sarili, subalit lahat ng hindi mainam ay isinasangkan sa iba."

SOURCE:

https://filipino.cri.cn/301/2020/03/23/109s166916.htm

https://epidemic.ihaozhuo.com/h5/epidemicWorld/index.html#/EpidemicSituation

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>