Lumahok Setyembre 15, 2020, si Premiyer Li Keqiang ng Tsina sa nasabing virtual meeting ng Espesyal na Diyalogo ng mga Lider ng Negosyo ng Buong Mundo ng World Economic Forum.
Binigyan-diin ni Premiyer Li na dapat magkakasamang isabalikat ng iba't ibang panig ang responsibilidad, suportahan ang multilateralismo, pangalagaan ang kaayusang pandaigdig, at ipadala ang kompiyansa at pag-asa sa mga mamamayan ng buong mundo.
Dapat magkakasamang pangalagaan ang kalayaan at kaginhawahan ng kalakalan, panumbalikin ang supply chain ng industriya ng daigdig, saad ni Premiyer Li.
Salin: Lito