Isinapubliko Lunes, Setyembre 21, 2020 ng Tsina ang plano ng pagtatatag ng mga pilot free trade zone (PFTZ) sa Beijing, Lawigang Hubei at Lalawigang Anhui ng bansa, at pagpapalawak ng PFTZ sa Lalawigang Zhejiang.
Ayon sa plano, aabot sa 119.68 kilometro kuwadrado ang kabuuang saklaw ng PFTZ sa Beijing, na kinabibilangan ng tatlong sona para sa inobasyon ng siyensiya't teknolohiya, pandaigdigang kalakalang panserbisyo, at high-end industries.
Target naman ng PFTZ ng Hunan na itatag ang base ng industriya sa paggawa ng high-end facilities, at pilot zone ng malalimang kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Aprika.
Ang PFTZ sa Anhui ay magpopokus sa pagpapasulong sa inobasyon ng siyensiya't teknolohiya at pinansya, pagpapasulong sa paglilipat at aktuwal na paggamit ng mga bungang pansiyensiya't panteknolohiya, at pagpaparami ng mga bagong sibol na industriya sa hinaharap.
Salin: Vera