Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Ernest] Mga balitang kumalat sa internet sa Tsina nitong 2013

(GMT+08:00) 2013-12-23 14:32:26       CRI

Tuwing sasapit ang Pasko at Bagong taon, palagiang nilalagom ng mga Tsino ang naging takbo ng kanilang trabaho at pamumuhay sa pagtatapos ng taon. At dahil naman sa malaking impluwensya at papel ng internet dito sa Tsina, ang mga balita na popular na popular sa internet ay maaaring naglalarawan ng mga pagbabago ng Tsina at hangarin ng mga mamamayang Tsino sa taong 2013.

Unang una, ang Chinese Dream ay pinakamainit na balita, hindi lamang sa internet, kundi maging sa iba't ibang larangan ng Tsina. Para sa mga karaniwang Tsino, ang balitang ito ay kumakatawan sa hangarin nila sa mas magandang pamumuhay sa hinaharap. Sa kabilang dako naman, kasunod ng mabilis na pag-unlad ng Tsina, lumilitaw ang mga isyung panlipunan na gaya ng malubhang polusyon sa hangin; paglaki ng agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap; at korupsyon. Kaya ang Chinese Dream ay nagpapakita rin ng ekspektasyon ng mga mamamayang Tsino sa mga gawain ng pamahalaan sa paglutas ng naturang mga isyu.

Sa panahon ng internet sa Tsina, nakakalikha ang mga netizens ng mga bagong balita para ipakita ang kanilang pananaw sa mga isyu. Halimbawa, ang balitang "Nv Hanzi" sa Mandarin. Ang salitang Nv ay itinuturing na babae, at ang salitang Hanzi ay itunuturing na malakas na lalaki. Kaya ang balitang "Nv Hanzi" ay nangangahulugan na mga kababaihan pero mayroong katangiang panlalaki.

Sa kasalukuyan, masidhi ang kompetisyon sa paghahanap ng mga trabaho sa mga lunsod ng Tsina at malaki ang presyur ng pamumuhay ng mga tao roon. Kaya para sa mga babae na may iba't ibang trabaho sa Tsina, sa isang dako, mayroong silang katawan at kahiligan ng kababaihan, pero sa kabilang dako naman, ang kanilang kilos at matatag na kalooban ay parang isang puro at malakas na lalaki at walang duda, ang kanilang kakayahan at tagumpay sa trabaho ay mas magaling kaysa sa kanilang mga lalaking katrabaho.

Halimbawa, si Hillary Clinton, dating Kalihim ng Estado ng Amerika, ay maaring tawaging "Nv Hanzi", pero si Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng Thailand ay hindi angkop na tawaging "Nv Hanzi", kasi ang paraan ng pagkilos at pananamit ni Clinton ay parang isang lalaki, pero ang impresyon ni Shinawatra sa publiko ay, walang duda, isang magandang babae kahit siya ang namumuno sa pag-unlad ng isang bansa.

Sa katotohanan, ang balitang "Nv Hanzi" ay nagpapakita ng lumalaking papel at impluwensiya ng mga kababaihan dito sa Tsina. Kasi ang balitang "Hanzi" sa Mandarin ay palagiang gingamit bilang paggalang sa mga magaling na kalalakihan. Bukod dito, ito rin ay maaaring ituring na pagtugon sa popular na balitang "Wei Niang" noong nagdaang taon. Ang balitang ito ay naglalarawan sa mga lalaki na mayroong katulad na kilos at kasuotan sa mga babae, pero hindi sila bakla at lady boy.

Bukod dito, lumitaw din ang isang balita hinggil sa mga mayayaman dito sa Tsina. Ito ay balitang "Tu Hao" sa Mandarin. Noong dati, mayroong salitang "Gao Fu Shuai" sa wikang Madarin para ilarawan ang mga tao na matangkad, mayaman at guwapo. Pero sa taong ito, ang salitang "Tu Hao" ay kumakatawan sa mga mayayaman, pero kulang sa pinag-aralan at may masamang taste sa moda o fashion. Kasi ang "Tu" ay nangangahulugang kulang sa pinag-aralan at may masamang taste sa moda o fashion at ang balitang "Hao" ay itinuturing na napakayamang tao.

Walang duda, palagiang kinaiinggitan ang mga mayayaman, at dapat nila isabalikat ang mas malaking responsibilidad sa mga isyung panlipunan kaysa sa mga karaniwang tao.

Pero dito sa Tsina, ang ilang mayayaman ay madaling nakakuha ng napakaraming ari-arian sa maiksing panahon dahil sa magandang kapaligiran at pagkakataon na nilikha ng reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas nitong nakalipas na 30 taon. At sa kabilang dako naman, magaspang ang kanilang pag-uugali at katangian. Kaya hindi nila tinatanggap ang sapat na paggalang ng mga karaniwang Tsino. Kaya nakatuon ang balitang "Tu Hao" sa ang ganitong mga mayayaman sa Tsina.

Walang duda, ang nabanggit na iilang balita ay hindi kumakatawan sa lahat ng mga pagbabago sa Tsina at hanggarin ng mga mamamayang Tsino. Pero salamat sa pagkalat ng mga ito sa internet sa Tsina, may mas bukas na paraan ang mga mamamayang Tsino sa pagpapakita ng kanilang hangarin at pananaw sa mga isyu at bagay-bagay. At ang naturang mga mga popular na balita ay nagpapakita, hindi lamang ng mga hangarin at pananaw ng mga mamamayang Tsino, kundi maging sa kanilang kalayaan sa pananalita at impluwensiya sa mga isyung panlipunan.

Back to Ernest's Blog

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>