Ikatlo, kauna-unahang Sesyong Plenaryo ng NPC. Mula ika-15 hanggang ika-28 ng Setyembre ng taong 1954, idinaos sa Beijing ang kauna-unahang Sesyong Plenaryo ng NPC. Lumahok sa pulong na ito ang 1226 na kinatawan na kinabibilangan ng 147 babaeng kinatawan. Sa pulong na ito, pinagtigay ang konstitusyon ng Tsina, naihalal si Mao Zedong bilang Pangulo ng Tsina, at nabuo ang Konseho ng Estado o Pamahalaang Sentral ng Tsina. Si Zhou Enlai ay ihinirang bilang Premyer ng pamahalaang Tsino.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12