|
||||||||
|
||
Ang kauna-unahang impresyon ng mga mamamayang Tsino sa produktong Hapones ay nagmula sa colored TV ng SONY at Panasonic. Ang naturang mga Television ay mabiling mabili sa Tsina noong 1980s dahil sa magandang kalidad at modernong teknolohiya. Ang litrato ay naglarawan ng window-shopping ng mga Taga-Shanghai sa electronic shop ng SONY noong 1985.
Bukod sa SONY at Panasonic, ang ibang mga tatak ng electronic produkto ng Hapon ay mabilis na naging popular sa mga mamamayang Tsino noong 1980s. Sa litrato, bumili noong 1985 ang isang mag-asawa sa Beijing ng inangkat na refrigerator ng Sharp.
Ang lalaki sa litrato na nakasuot ng suit ay isang staff ng SONY. Noong 1980, tinuro niya sa mga mananaliksik na Tsino ang mga kaalaman hinggil sa pagyari at paggamit ng mga camera.
Ang naturang litrato ay kinuha noong 1987 malapit sa Tian'anmen Square. Ang motorbike sa litrato ay yari ng Yamaha at ito rin ay pinakapopular at mamahaling produkto para sa mga mamamayang Tsino noong panahong iyon.
Ang kotse sa litrato ay yari ng joint venture enterprise ng Tsina at Hapon. Sa pananaw ng mga Tsino, ang mga Japanese car ay mura, matipid sa petrolya at may magandang kalidad.
Ang mga popular na anime ng Hapon sa Tsina.
Noong ika-10 ng Pebrero ng taong 2011, nagshopping ang mga turistang Tsino sa isang tindahan sa Akihabara ng Hapon. Nakasabit sa tindahang ito ang banner na bumabati ng "Happy Spring Festival " sa wikang Tsino para ipromote ang mga paninda.
Mabiling mabili ang mga damit ng UNIQLO sa Shanghai.
Sa Tsina, ang lahat ng mga camera na ginamit ng mga media person ay mga kilalang brands ng Hapon.
Ang litrato ay may kinalaman sa mga toilet seat cover ng Panasonic pero niyari ang ito ng isang kompanyang Tsino sa Hangzhou.
Back To Ernest's Blog
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |