|
||||||||
|
||
ASEAN at Tsina, nagdaos ng official consultations sa Code of Conduct in South China Sea
LUMAHOK ang Pilipinas sa 6th Senior Officials Meeting at 9th Joint Working Group on Implementation of the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea sa Suzhou, Tsina mula noong Sabado hanggang kahapon.
Si Foreign Affairs Undersecretary for Policy Evan P. Garcia, Assistant Secretary for ASEAN Affairs Teresita V. Barsana at Assistant Secretary Henry Bensurto, Jr. ng West Philippine Sea Center ang bumuo sa delegasyon ng Pilipinas.
Ayon sa pahayag ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, ito ang unang opisyal na konsultasyon sa Code of Conduct in the South China Sea ng mga bansang kasama sa ASEAN at Tsina.
Nagkasundo ang mga senior officials sa proseso at paraan ng pagsusulong nito. Nagkasundo silang ipagpatuloy ang official consultations sa COC sa regular na pagkakataon at magsasagawa ng regular reports sa mga kalihim ng ugnayang panglabas.
Magsasagawa ng in-depth discussions sa lahat ng aspeto ng Code of Conduct sa pamamagitan ng Joint Working Group, kabilang na ang mga expert services na susuporta sa sa mga natamo ng official consultations.
Magkakaroon din ng mas madalas na pagpupulong sa pagitan ng Senior Officials at Joint Working Group tungkol sa Code of Conduct na kikilalanin ng lahat at magkakaroon ng proseso ng intergovernmental negotiations.
Sinabi ni Undersecretary Garcia na binabantayan ng international community ang nagaganap sa pagitan ng ASEAN at Tsina lalo't higit sa progreso ng Code of Conduct.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |