|
||||||||
|
||
Mortar, sumabog sa pag-itan ng Katedral at Ateneo de Zamboanga
NANGANGAMBA si Msgr. Crisologo Manongas, administrador ng Arkediyosesis ng Zamboanga sa nagaganap sa dati'y matahimik na lungsod.
Sa panayam ng CBCP Online Radio, sinabi ni Msgr. Manongas na isang mortar (shell) ang sumabog sa pagitan ng katedral at Ateneo de Zamboanga mga alas tres kwarenta y singko ng hapon kanina sa isang nakaparadang Toyota Fortuner.
"Total wreck ang sasakyan ng suriin ng mga kinauukulan," dagdag pa ni Msgr. Manongas. Sa kanyang pagbasa sa naganap na insidente ay target ng mga armado ang katedral o ang pamantasan ng gma Heswita upang magsimula ng "religious war."
Sinabihan na niya ang mga mamamayan na huwag na munang lumabas ng bahay at maging maingat.
Pinakakain ng Simbahan ang may 12,000 katao na kalat sa iba't ibang evacuation centers. Nangangamba rin si Msgr. Manongas na magkukulang na ang kanilang panustos sapagkat hindi sila makakuha ng salapi sa mga bangko. Sarado ang mga bangko sa Zamboanga at tanging mga Automated Teller Machines ang kanilang maasahan.
Pinasalamatan niya ang Caritas Manila sa ipinadalang salapi, ganoon din sa iba pang tumutulong lalo't aabot sa P 50,000 ang gastos sa tatlong pagkain sa paghapon ng mga evacuees.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |