|
||||||||
|
||
Magkaibang pananaw hinggil sa mga mambabatas na makakasuhan, lumabas
TALIWAS ang mga pananaw ng dalawang kilalang senador ng Pilipinas sa mga usaping maaaring kaharapin ng ilan sa kanila hinggil sa Priority Development Assistance Fund o PDAF.
Unang sinabi ni Senate President Franklin M. Drilon na may tatlong options ang Ombdusman sa oras na maiparating na ang usapin laban sa mga mambabatas. Una ay maaaring ma-dismiss ang usapin kung walang basehan. Pangalawa ay pagbalik-aralan ang mga isinumite kung mangangailangan ng counter-affidavit at pangatlo ay tanggapan ang reklamo at humingi pa ng counter-affidavit.
Para kay Senador Drilon, mas magandang option ang pangalawa: susuriin ang reklamo ng National Bureau of Investigation. Magkakaroon pa rin ng dalawang posibilidad. Isa rito ay ang pagsasagawa ng fact-finding investigation kung makikita nilang 'di sapat ang mga ebidensya at ang pangalawa ay utusan ang mga inereklamo na mag-file ng kanilang counter-affidavitys sa loob ng sampung araw at magsagawa ng preliminary investigation.
Dapat umanong isaisip ng madla an kahon-kahon ang mga ebidensya kaya't mangangaulangan ito ng panahon upang suriin. Hindi umano iisang pahinang reklamo ang ipararating sa Ombudsman.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Senador Miriam Defensor-Santiago na sa ilalim ng 1991 anti-Plunder Act, sa oras na iparating ng Ombudsman ang kasong plunder sa hukuman, ang akusado ay nararapat masuspinde sa kanyang tanggapan.
Ani Senador Santiago, nangangahulugan na ang mga senador at kongresista na isinangkot bilang "persons of interest" ay nararapat masuspinde mula sa kongreso samantalang dinirinig pa ang usapin. Taliwas ito sa sinabi ni Senador Drilon na masususpinde lamang sila matapos mapatunayang nagkasala.
Wala umano sa Saligang Batas ang ginamit na argumento ni Senador Drilon at ito'y na sa Senate Rules lamang. Maliwanag sa ilalim ng Anti-Plunder Act,Section 5 na pinamagatang Suspension and Loss of Benefits, ang sinumang opisyal na may usapin, sa anumang bahagi ng paglilitis, ay nararapat lamang na ma-suspinde sa tungkulin.
Ayon pa kay Senador Santiago, naobliga siyang maglabas ng pahayag dahilan sa nauna niyang pahayag sa may 1,000 mga mag-aaral na dumadalo sa isang pagpupulong sa SMX, Pasay City.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |