|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Bureau of Immigration, nagbabala sa mga banyaga
BINALAAN ng Bureau of Immigration ang mga banyagang dumadalaw sa Pilipinas na huwag lumahok sa mga rally at iba pang mass actions na nagpoprotesta laban sa "pork barrel."
Sinabi ni Immigration Officer in Charge Siegfred Mison na ang mga turistang mayroong tourist visa na lalahok sa mga pagtitipon ay maaaring ipatapon palabas ng bansa sa paglabag sa immigration law ng Pilipinas.
Hihingi umano sila ng tulong sa Philippine National Police na nagbabantay sa mga banyagang lumalahok sa mga pagtitipon.
Wala silang pakialam sa mga pagtitipong ganito sapagkat paglabag ito sa mga kundisyon sa kanilang pamamalagi sa PIlipinas.
Maliban sa rally na naganap noong Biyernes, mas marami pang pork barrel protests ang nakatakdang gawin sa mga susunod na araw.
Nagpalabas ng babala ang Immigraton isang araw matapos ipatapon ang isang Canadian student na si Kim Chatillon Meunier na nakita sa mga larawang kabilang sa nagrally laban sa SONA ni Pangulong Aquino noong Hulyo sa Batasan.
Paalis n asana noong Biyernes ng gabi si Meunier ng makita ng alagad ng batas sa Ninoy Aquino International Airport. Nadetine siya sa Bureau of Immigration Detention Center sa Bicutan, Taguig.
Noong Agosto, ipinatapon din ang Dutch activist na si Thomas Van Beersum na lumahok din sa rally na tumutuligsa sa SoNA ni Pangulong Aquino. Nakunan siya ng larawan na nangungutya sa isang pulis na naiyak sa may Batasan sa Quezon City.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |