Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino: Matagumpay at makabuluhan ang paglalakbay

(GMT+08:00) 2013-10-11 19:02:36       CRI

 

Pangulong Aquino: Matagumpay at makabuluhan ang paglalakbay

PANGULONG AQUINO, DUMATING NA KAGABI.  Sinalubong si Pangulong Aquino ng mga opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ng kanyang gabinete matapos maglakbay sa Bali, Indonesia at Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam para sa APEC at ASEAN Summit meetings.  (Malacanang Photo)

TAGUMPAY AT MABUNGA ANG PAGLALAKBAY.  Ito ang pahayag ni Pangulong Aquino sa kanyang pagdating kagabi sa Ninoy Aquino International Airport matapos lumahok sa APEC at ASEAN Summit meetings.  (Malacanang Photo)


SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na naging matagumpay at makabuluhan ang kanyang paglalakbay sa Bali, Indonesia at maging sa Bendar Seri Begawan, Brunei para sa katatapos na APEC at ASEAN summit meetings.

Sa kanyang talumpati sa kanyang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal II kagabi, namangha ang umano ang ibang bansa sa nagaganap na positibong transpormasyon sa Pilipinas at "sabik na malaman kung paanong, mula sa pagiging Sick Man of Asia, ay unti-unti nabago't napatingkad ang imahen ng Pilipinas" sa pandaigdigang larangan.

Ibinahagi umano niya sa APEC CEO Summit Conversation with Leaders na ang kakaibang sigla at katatagan ng ekonomiya ng Pilipinas ay nagmumula sa tapat at hayag na pamahalaang nakatutok sa pag-alaga ng kapakanan ng taongbayan.

Mulat umano ang mga bansa sa malaking ambag ng cross-border education o pagpapalitang-dunong at kakayahan, at ang pagtataas ng antas ng edukasyon, sa paglalatag ng kaunlarang mababatid ng buong Asya-Pasipiko.

Inulat din ni Pangulong Aquino ang kanyang pakikipag-usap kay Hong Kong Chief Executive Leung Chun-ying. Pinili umano ng magkabilang-panig na pagtuunan ng pansin ang kolektibong oportunidad na magbibigay daan sa paghilom ng anumang munting lamat sa mahabang pagkakaibigan.

Sa idinaos na ASEAN Summit sa Brunei, sinabi ni Pangulong Aquino na napatibay pa ang relasyon ng Pilipinas sa bansang Hapon at Vietnam. Nais umano ni Prime Minister Shinzo Abe na mapabilis ang pagpapadala ng sampung multi-role response vessels na magagamit ng (Philippine) Coast Guard, na binili ng Pilipinas. Nagpasalamat din umano siya sa $ 200 milyong Emergency Grant Aid para sa pag-aayos ng Lungsod ngZamboanga.

Sa panig naman ni Vietnamese Prime Minister Nguyen Tan Dung, nais ng pamahalaang Vietnames na mapalakas ang turismo at kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa. Wala umanong patutunguhan ang pagkakanya-kanya sapagakt ang pinakasusi sa kaunalran ay ang kooperasyon at pagkakaunawaan.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>