|
||||||||
|
||
Pilipino, malamang na mabitay sa Nobyembre
NANGANGANIB na mabitay si Joselito Zapanta, isang overseas Filipino worker na nasa deathrow sa Saudi Arabia kung hindi makakalikom ng P45 milyon na kabayaran o blood money.
Ayon kay Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay, kailangang makalikom ng salapi upang makaligtas si Zapanta sa tiyak na kamatayan.
Idinagdag pa ni G. Binay, napakalaki ng blood money na sinisingil ng mga pamilya ng napaslang. Ang deadline para sa blood money ay sa ikatlong araw ng Nobyembre. Tatlong beses nang nagbigay ng palugit ang Saudi Arabia. Sila rin ang nagpababa ng halagang sinisingil.
Nahatulan ng kamatayan si Zapanta dahilang sa pagpaslang sa accountant ng kanyang amo. Ang biktima ay mula sa Sudan. Inakusahan din siya ng pagnanakaw ng SAR 3,000.00 at dalawang mobile phones mula sa biktima.
Ang nalikikom na halaga'y SAR 520,831.05 samantalang ang hinihiling ay P 45 milyon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |