Kasunduan sa Minamata, nilagdaan na
SI Kalihim Ramon Paje ng Department of Environment and Natural Resources ang lumagda sa makasaysayang Minamata Convention sa ipinagpapatuloy na pulong na pinamagatang "United Nations Conference on Mercury" sa Kunamoto, Japan.
Ang Minamata Convention na nilagdaan ng mga pinuno ng mga bansa at mga Kalihim ng Kapaligiran at Ugnayang Panglabas, ay isang pandaigdigang kasunduan na nagtatakda at naglalaan ng kaukulang regulasyon sa pagbebenta ng Mercury sa mga kalapit na bansa. Nararapat lamang mabatid ng pamahalaan ang pinagmumulan at pinaggagamitan ng mercury kabilang na ang mga 'di sinasadyang pagkalat nito sa kapaligiran. Nananawagan din ang kasunduan sa pagkakaroon ng action plans upang mabawasan ang paggamit at pag-aalis nito sa bansa.
Pinapurihan ng United Nations Environment Programme sa Geneva ang Pilipinas at si Pangulong Aquino sa mga nagawa upang mabawasan na ang paggamit ng mercury.
Ayon kay Kalihim Paje, ang mercury ay malubhang nakalalason at nakapipinsala sa utak, bato, baga, puso at biktuka. Nararapat lamang matuto ang Pilipinas sa naganap sa Japan na pinagmulan ng Minamata Disease.
1 2 3 4 5 6