Construction sector, umangat sa unang anim na buwan ng 2013
KINAKITAAN ng pag-angat ang sektor ng construction sa unang anim na buwan ng taong 2013. Ayon kay Trade Undersecretary at Board of Investments Managing Head Adrian Cristobal, Jr., nagkaroon ng 17.4% growth mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito.
Nakikita ang kahalagahan ng roadmaps upang mapanatili ang kaunlaran tungo sa competitiveness ng iba't ibang industriya.
Ang Trade and Industry Development Updates ang paraan upang magsama-sama ang mga kinatawan ng iba't ibang industriya, mga kinatawan ng local at foreign chambers, mga kasapi ng diplomatic corps, industry associations at akademya at media.
Kabilang sa mga lumahok ang Subdivision and Housing Developers Association na pinamumunuan ni Paul H. Tanchi. Ayon sa pangulo ng samahan, mawawala na ang kakulangan sa pabahay sa taong 2030. Sa pakikipag-ugnayan sa iba't ibang mga developer at industry partners, umaasa silang magpapatuloy ang kaunlaran ng sektor. Makagagawa sila ng may isang milyong mga bagong tahanan sa pag-itang 2012-2016. Makagagawa rin sila ng dagdag na dalawang milyong units mula 2017 hanggang 2022 at pitong milyong bagong bahay mula 2023 at 2030.
1 2 3 4 5 6