Pamahalaan, handa sa bagyong "Santi"
SINABI ni Social Welfare and Development Secretary Corazon Juliano Soliman na nakapaghanda na sila sa pagpapadala ng may P 156.13 milyong halaga ng emergency relief resources na kinabibilangan ng P 12 milyon standby fund, 37,858 family food packs na nagkakahalaga ng P 9.39 milyon, iba pang pagkain na nagkakahalaga ng P 25 milyon non-food items na may halagang P109.71 milyon na pang-ayuda sa local government units na maapektuhan ng trahedya.
Ang lahat ng ito'y ayon sa mga balak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council para sa malawakang mga kalamidad.
Samantala, ang DSWD sa Bikol ay nag-ulat na may 460 pasahero patungong Catanduanes ang nasa Tabaco City port sa Albay. Ang pamahalaang lokal ng Catanduanes ay nagbigay na ng pagkain sa mga pasaherong hindi nakapaglakbay patungo sa Albay.
1 2 3 4 5 6