|
||||||||
|
||
Higit sa 200 ang nasawi sa lindol noong isang linggo
DALAWANG DAA'T ISA katao ang nasawi samantalang umabot sa 920 katao ang nasugatan sa malakas na lindol na yumanig sa Gitnang Kabisayaan noong Martes, ika-15 sa buwan ng Oktubre.
Nagkaroon ng 187 ang nasawi sa Bohol, 13 sa Cebu at isa sa Siquijor. May 826 katao ang nasugatan sa Bohol samantalang may 89 sa Cebu, tatlo sa Siquijor at tig-isa sa Negros Oriental at Iloilo.
Ayon sa Official Gazette of the Republic of the Philippines, higit na sa P 33 milyon na ang naipalabas na tulong mula sa DSWD, Departamento ng Kalusugan, mga pamahalaang lokal at non-government organizations sa mga nasalanata sa Regions VI at VII.
Sa pagsusuri ng pamahalaan, umabot sa 631,605 families o higit sa tatlong milyong katao ang apektado ng trahedya. May 1,494 na barangay ang apektado mula sa 59 na bayan at anim na lungsod sa anim na lalawigan sa Central Visayas at Western Visayas regions.
Mayroong 66, 467 na pamilya ang nawalan ng tahanan at pansamantalang naninirahanm sa 151 evacuaton centers.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |