|
||||||||
|
||
United Nations at mga kabalikat, naghahanap ng $ 46 milyon para sa mga mamamayang nasaanta ng lindol
NAGLUNSAD ng action plan ang United Nations at humanitarian partners ng kanilang action plan na nagkakahalaga ng $ 46 milyon upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga biktima. Kasama sa kanilang prayoridad ang ang pagbibigay ng matitirhan, tubig, sanitation and hygiene, pag-aalis ng mga sagabal at basura at iba pang life-saving interventions.
Ayon kay Resident and Humanitarian Coordinator in the Philippines Luiza Carvalho, mahalagang tugunan kaagad ang mga pangangailangang ito. Maramai umanong mga biktima ang nawalan ng pagkakakitaan.
Sunod-sunod na trahedya ang tumama sa Pilipinas at kailangang tumugon muli sa pangangailangan ng mga biktima. Binanggit ni Bb. Carvalho na kailangan ng mga biktima ang matitirhan sapagkat nagsimula na ang panahong amihan. Kailangan ang pansamantala at maituturing na transitional shelters upang makaligtas sa tiyak na pagkakasakit.
Idinagdag pa ng opisyal na namimiligro ang mga kababaihan at mga kabataan. Kailangan ding magkaroon ng ligtas na tubig na maiinom, mga tubong padadaluyan nito at kuryente na kailangan sa pagdadala ng malinis at dalisay na tubig. Mayroon pa rin umanong mga pook na tanging mga motorsiklo at bangka lamang ang magagamit.
Bukod sa logistics, kailangan din ang pagtutulungan at koordinasyon sa local at national authorities na nangangasiwa sa pagtugon. Hindi nararapat magkaroon ng duplication upang hindi masayang ang resources.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |