|
||||||||
|
||
131021melo.m4a
|
Tsina, naglaan ng $ 80,000 para sa mga biktima ng lindol
TSINA, TUMULONG SA MGA NASALANTA. Ipinagkaloob ni G. Sun Xiangyang, (kaliwa) Deputy Chief of Mission & Political Counsellor ng Embahada ng People's Republic of China sa Maynila ang tsekeng nagkakahalaga ng $ 80,000 kay Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon (gitna) at Secretary General Gwendolyn Pang (kanan) sa simpleng seremonya sa punong tanggapan ng Philippine Red Cross sa Maynila. (Melo Acuna)
BUKOD sa pakikiramay sa mga nagdadalamhating mga biktima ng lindol sa Bohol at Cebu, nagtungo si Sun Xiangyang, ang Deputy Chief of Mission at Political Counsellor ng People Republic of China sa punong tanggapan ng Philippine Red Cross sa Port Area, Maynila upang dalhin ang tsekeng nagkakahalga ng $ 80,000.00 o halos tatlo't kalahating milyong piso (P3.450 milyon).
MGA TSINO, NABABAHALA SA KALAGAYAN NG MGA BIKTIMA NG LINDOL. Ayon kay G. Sun Xiangyang, nababahala sila sa kalagayan ng mga biktima ng lindol sa Bohol at Cebu. Umaasa siya at mga kasama sa Embahada na madaliang makakabawi at mababalik sa normal ang buhay ng mga biktima. (Melo Acuna)
Ayon kay Ginoong Sun, ang salapi ay nagmula sa China Red Cross at ipinadala sa Philippine Red Cross. Idinagdag niya na lubha silang nababahala sa pangyayari sa Bohol at Cebu.
Umaasa umano sila na madaliang makakabangon ang mga biktima at makakabalik sa normal ang kanilang buhay.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |