Simbahan may nakalaang P 14.2 milyon
ILULUNSAD ng Caritas Philippines/National Secretariat of Social Action ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang isang madalian at malawakang relief operations sa limang bayan ng Bohol na pinakamalubhang napinsala ng lindol noong isang linggo.
Sa tulong ng Caritas Internationalis, isang ahensyang tumutugon sa emergencies at development programs, inilunsad ng NASAA ang emergency response sa Bohol sa halagang P 14.2 milyon na tatagal sa loob gn dalwang buwan. Ang NASSA ang siyang tutugon sa mga panangailangang babanggitin ng mga mamamayan at magbibigay ng shelter materials, pagkain, non food items sa may 21,759 na mga biktima sa Maribojoc, Inabanga, Carmen, Danao at Sagbayan.
Kasama sa mangangasiwa ang Dioceses of Tagbilaran at Talibon. Sa kasalukuyan ay nasa evacuation centers pa ang karamihan ng mga mamamayan. Kasama sa palatuntunan ang Catholic Agency For Overseas Development, Catholic Relief Services, Center for Disaster Preparedness, United Nations Children's Fund, International Organization for Migration, World Food Program at United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs sa pagsasagawa ng pinagsanib na pagsusuri at pagbabalak.
1 2 3 4 5