|
||||||||
|
||
Pinsala sa mga pagawaing bayan, lumaki
UMABOT sa halos P 1.5 bilyon ang pinsalang idinulot ng lindol at aftershocks sa mga lansangan, tulay, flood control, mga paaralan, pagamutan at iba pang mga gusali ng pamahalaan sa mga lalawigan ng Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor.
May 54,684 mga tahanan ang napinsala na katatagpuan ng 12,657 na hindi na pakikinabangan, ayon sa pamahalaan.
Ang lahat ng mga paliparan at daungan ay napakikinabangan na ng mga mamamayan.
Samantala, naglabas na ang National Food Authority ng may 25,850 mga sako ng bigas para sa mga biktima ng sunod-sunod na krisis sa bansa sa nakalipas na dalawang buwan.
Umabo na sa 9,406 na sako ng bigas ang nailabas patungo sa iba't ibang relief agencies apra sa mga biktima ng lindol sa Cebu at Bohol. Nailabas na rin ang bigas patungo sa local government agencies tulad ng pamahalaang panglalawigan ng Bohol, Department of Social Welfare and Development, Feed the Children at GMA Kapuso Foundation.
Nakapaglabas din sila ng bigas sa Zamboanga stand-off victims at umabot sa 4,723 bag sa DSWD, 3,000 sa pamahalaang lokal, 3,000 sa Office of Civil Defense, at 3,473 sa iba pang relief institutions para sa mga biktima ng pagbaha at stand-off. Mayroon ding limang rolling stores na inilabas sa Zamboanga upang marating ang mga mamimili sa malalayong pook.
Ang NFA sa Gitnang Luzon ay naglabas na rin ng 2,248 na sako ng bigas sa relief agencies sa mga binangyong pook. Ayon sa ulat, P 2.3 bilyong halaga ng mga pananim na palay ang napinsala sa pagragasa ng Bagyong Santi. Apektado rin ang may 153,450 pamilya o 741,103 katao mula sa 640 na barangay sa Region III.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |