|
||||||||
|
||
Tumaas ang bilang ng diarrhea cases
IBINALITA ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs ang pagtaas ng bilang ng diarrhea cases sa mga binagyong pook sa Central Philippines.
Sa pinakahuling ulat mula sa OCHA kagabi, napuna ang pagtaas ng bilang ng nagkaroon ng diarrhea at ilang samples ang nabatid na positibo sa rotavirus. Mula unang araw hanggang ikapitong araw ng Disyembre, nagkaroon ng 24 na kaso ng tetanus. Sa pangyayaring ito, 240 medical teams ang kumilos sa binagyong pook. May dalawang emergency maternal care units ang nailagay sa provincial hospitals ng Leyte at Eastern Samar. Nakatanggap ang apat na provincial hospitals ng apat na ambulansya.
Naipamahagi na ang mga gamot para sa non-communicable diseases tulad ng hypertension at asthma sa mga apektadong lugar.
May 16 na solar refrigerators ang naipamahagi sa Tacloban City upang matugunan ang cold chain requirements para sa routine immunization.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |