|
||||||||
|
||
United Nations Secretary General Ban Ki Moon dadalaw sa Pilipinas
DARATING sa Biyernes, ika-20 ng Disyembre si United Nations Secretary General Ban Ki Moon upang suriin ang pinsalang idinulot ni "Yolanda" at makiisa sa mga biktima sa Central Philippines.
Sa kanyang ikalawang pagdalaw sa Pilipinas bilang Secretary General, makakausap niya si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at mga matataas ng pinuno ng bansa.
Sa Sabado, dadalaw siya sa Tacloban City upang makausap ang mga biktima at alamin ang mga pangangailngan nila.
Isang joint press conference naman ang nakatakdang gawin nina Secretary General Ban at Kalihim Albert F. del Rosario sa Manila Peninsula Hotel sa darating na Linggo, ika-22 ng Disyembre.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |