|
||||||||
|
||
Pagdami ng mga mamamayan, hindi problema
NANINIWALA si Michael Billington ng Executive Intelligence Review na ang population control law ng Pilipinas na pinag-uusapan pa sa Korte Suprema ay isang paksang kontrobersyal. Sinabi niya na ang paniniwalang ang pagdami ng tao ay isang problema ay maling paniniwala sapagkat ang suliranin ay nag-uugat sa pagkakaroon ng masasamang leader.
Hindi umano malulutas ang anumang problema sapagkat ang problema ay ang masasamang lider na nanunungkulan.
Nakilala si Billington sa kanyang pakikipagdebate kay James Putzel, isang dalubhasa ng London School of Economics Asia tungkol sa insurgency sa Katimugang Pilipinas.
Ani Billington, isang agricultural country ang Pilipinas at kailangan lamang gamitin ang yaman nito sa pagsasaka kaya't maraming mahihirap sa bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |